Miyerkules, Abril 13, 2016

Di na Ikaw and Dating Ikaw

Di na ikaw yung dating ikaw
Mukhang hinog na nga ang dating hilaw
Kaya mo nang mag-isa
Madali na lang sa'yo ang mag-iba
Napapansin din kaya nila?
Pakiramdam ko hindi
Ramdam ko ang tindi
Yung pagbabagong nagkaroon sa'yo
Yung dating meron na nawala sa'yo
Yung dating tayo na naging kayo
Wala yatang nakakakita nun kundi ako

Oo wala kang kasintahan
Pero may hinahangaan
Wala akong karapatan
Pero nasasaktan
Di man dapat maramdaman
Pero unti unting pinangingibabawan
Ng takot na yung kaunting pag-asa
Ay tuluyan nang mawala

Nagulat ka ba na umaasa pa din ako?
Oo. Umaasa pa din ako
Wala eh! Ganun talaga
Minsan di ko kayang iwasan
Minsan di ko kayang pigilan
Kahit di ko aminin
Kahit di ko sabihin

Pero wag kang mag-alala
Kaunti na lang susuko na ako
Kasi unti-unti na akong natatauhan
Unti-unti na ding natatabunan
Ang dating pag-ibig na dati nag-aalab
Ngunit ngayo'y natatakluban
Natatakluban na ako ng pagpigil
May salita na sa bokabularyo ko na pagtigil
Pakiramdam ko napagod na ako
Di ko alam kung nagbago ba ako

Mahirap tantiyahin pero siguradong nabawasan
Siguro magulo pero may kalinawan
Di mo alam kung kailan
Ang puso mo ay mauubusan
Ng pang-unawa
Ng pasensya
Ng lakas
Ng determinasyon
Ng tibay
Dahil habang naghihintay
Lalo lang akong nalulumbay

Akala ko nga ayos pa
Pero hindi na pala
Akala mo ubos na
Pero nagkaroon ba?

Kaya lalong lumalapit ang lahat
Kahit gusto ko pa lumaban
Patuloy na siyang nababawasan
Nawawarakan at nasasaktan

Pero kaya ko pa naman
Kaso sana pumatas ang tadhana
Para naman ako'y nasusuklian
Kasi ako ay nahihirapan

Baka naman sa naging hinog na nga ang dating hilaw
Kaya hindi na ang dating ikaw ang nakikita kong ikaw

DARATING ANG ARAW


"Darating yung araw na makakabangon ako
Sa ngayon iindahin ko muna ang sugat na iniwan mo
Aaminin kong masakit dahil damang dama ko
Ang hirap dahil wala ka na dito sa tabi ko

Darating yung araw na magbabago ang lahat
Hahayaan ko munang maalala ang nakaraan
Masarap naman talaga alalahanin sapagkat
Tunay naman na tayong dalawa ay nagmahalan

Darating ang araw na iibig ulit ako sa iba
Sa ngayon, magdaramdam muna ako na nag-iisa
Titiisin ko ang sakit hanggang sa ito ay mawala
Mawala nang tuluyan at maghilom ng kusa

Darating ang araw na masasaktan ulit ako
Pero sisiguraduhin kong hindi na dahil sayo
At kung dumating man ako sa puntong iyon
Mas malakas at mas matapang na ako di tulad ngayon.."